^

PSN Palaro

POC ibubuhos ang suporta sa Pinoy archers upang matiyak ang tagumpay sa Olympics

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipinangako ni POC president Jose Cojuangco Jr. ang pagkakaroon ng mas malawak na suporta ng national archers matapos ang tagumpay na ibinigay nina Mark Javier at Rachel Cabral-dela Cruz sa idinaos na huling Olympic Qualifying tournament sa Ogden City, Utah, USA.

Nagtagumpay sina Javier at Cabral sa idinaos na qualifying tournament dahil na rin sa tulong mula sa ka­nilang bagong Korean coach Chun Jae-hun.

Si Chun ay lumakad pabalik ng Korea upang makaamot ng suporta sa mga makabagong kagamitan na siyang ipinanlaban nina Javier at Cabral.

Mga luma na at may diperensya na ang dating pana ng dalawang archers at pinagtitiisan ito dahil hirap kumuha ng suporta sa PSC.

“I’m not an archer but I know how important equipment is. From now on, we will have to do it right,” wika ni Cojuangco sa panayam sa DZSR.

Wala siyang nakikitang problema sa panig ng PSC dahil nauna na silang nakapag-usap ni chairman Ricardo Garcia hinggil sa pagbili ng makabagong kagamitan sa archery.

Matagal nang sinasabi ni Cojuangco na ang archery ang isang sport na maaaring pagmulan ng kauna-una­hang medalyang ginto ng bansa sa Olympics.

Sa dalawang archers, si Javier ang mas beterano dahil nakasali na siya sa Beijing Olympics na nangyari apat na taon na ang nakalipas.

Para mapaghandaan ng masinsinan ang Olympics na itinakda mula Hulyo 27 hanggang Agosto 12, balak ni Chun na isalang sina Javier at Cabral-dela Cruz sa pag­sasanay sa Korea bagay na suportado ni Cojuangco.

Maliban sa PSC, tumutulong din sa pangangailangan ng mga archers si Felizardo Sevilla na siyang godfather ng nasabing sport.

BEIJING OLYMPICS

CABRAL

CHUN JAE

COJUANGCO

CRUZ

FELIZARDO SEVILLA

JAVIER

JOSE COJUANGCO JR.

MARK JAVIER

OGDEN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with