NEWARK, N.J.--Tinanghal si forward Anthony Davis bilang first pick ng New Orleans Hornets sa NBA Draft.
Sisimulan ni Davis ang kanyang pro career sa siyudad kung saan siya nakakuha ng national title.
Ang freshman na naging player of the year ng college basketball ay hinirang na Most Outstanding Player ng Final Four sa kabila ng malamya niyang 1-for-10 fieldgoal shooting sa championship game kung saan siya humakot ng 16 rebounds at 6 blocked shots para sa kanilang panalo laban sa Kansas.
Ang 6-foot-10 na si Davis ay naglista ng mga averages na 14.2 points, 10.4 rebounds at 4.7 blocks para maging isang dominanteng defender.
Matapos ibigay ng Hornets si star Chris Paul sa nakaraang season, handa na si Davis na maging kanilang superstar na kanya na ring naranasan sa Wildcats.
Apat pang Wildcats ang nakuha sa first round na tumabla sa North Carolina, may apat na picks na lahat ay mga top 17 selections.
Ang mga ito ay sina Harrison Barnes (No. 7, Golden State), Kendall Marshall (No. 13, Phoenix), John Henson (No. 14, Milwaukee) at Tyler Zeller (No. 17, Dallas), habang ang Kentucky player na si Terrence Jones ay napili bilang No. 18 ng Houston.
Ang karapatan kay Zeller ay ipinamigay naman sa Cleveland para sa isang package kasama si No. 24 pick Jared Cunningham ng Oregon State.