Sharapova umusad sa 3rd round ng Wimbledon
WIMBLEDON, England--Bumangon si Maria Sharapova sa kabiguan sa second set para talunin si Tsvetana Pironkova, 7-6 (3), 6-7 (3), 6-0, at makaabante sa third round ng Wimbledon.
Nakuha ng top-ranked Russian ang 3-1 lamang sa second set nang ihinto ang kanilang laro dahil sa problema sa ilaw.
Sa pagbabalik ng laro, sinamantala ni Pironkova ang ilang pagkakamali ni Sharapova bago niya niresbakan ang Bulgarian sa third set.
Nanggaling si Sharapova mula sa pag-angkin sa kanyang unang French Open title na kumumpleto sa isang career Grand Slam.
Puntirya niya ang kanyang ikalawang Wimbledon crown matapos magreyna noong 2004 bilang isang 17-anyos na netter.
Sa men’s division, ginulat ni 100th-ranked Lukas Rosol si 11-time Grand Slam champion Nadal 6-7 (9), 6-4, 6-4, 2-6, 6-4, patungo sa third round ng torneo.
Ito ang unang pagkakataon mula noong 2005 na natalo si Nadal sa second round ng anumang major tournament.
- Latest
- Trending