^

PSN Palaro

Energen Pilipinas tinalo ang Singapore para sa 2-dikit na ratsada

- ATan - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Hindi napigil ng host Singapore ang nagbabagang laro ng Pilipinas sa huling yugto tungo sa 75-63 panalo sa pagpapatuloy ng 8th SEABA Under-18 Champion­ship noong Huwebes sa Singapore.

Nagtala lamang ng 41% shooting (30 of 73) ang national U-18 team ni coach Olsen Racela pero binawi nila ito sa pagdodomina sa rebounding, 44-29, tungo sa 44-10 inside points.

Angat lamang sa 55-52 ang natio­nals na suportado ng Energen Pilipinas, pa­pasok sa huling yugto pero sina Kent Lao at Rey Nambatac ay umiskor sa loob para pasiklabin ang 6-0 start tungo sa pagtangan sa 61-52 bentahe.

May walong puntos si Lao sa huling minuto para tumapos taglay ang 10 puntos habang si J-Jay Alejandro ay may 13 at si Nambatac ay naghatid ng 12 puntos at 5 rebounds. Si Michael Javelosa ay nagsumite ng 8 puntos at ganitong dami ng rebounds.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Pilipinas sa limang koponang torneo upang makapantay ang nagpahingang Indonesia sa itaas ng standings.

Sunod nilang kalaban ang Malaysia ni­tong Biyernes ng gabi habang ang In­do­nesia ang kanilang huling asignatura sa Sabado. Ang Singapore ay nalaglag sa 1-2 ba­raha.

“Competition is getting tougher but I know that the more time together,we will be­come better as a team,” wika ni coach Olsen Racela sa kanyang twitter.

ANG SINGAPORE

ANGAT

ENERGEN PILIPINAS

J-JAY ALEJANDRO

KENT LAO

OLSEN RACELA

PILIPINAS

REY NAMBATAC

SHY

SI MICHAEL JAVELOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with