^

PSN Palaro

Solong liderato pakay ng JRU vs Arellano

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Solo liderato ang pakay ngayon ng Jose Rizal University habang bigyan ng magandang pagsalubong ang bagong coach ang nais ng University of Perpe­tual Help System Dalta sa pagpapatuloy ngayon ng 88th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Kakaharapin ng Heavy Bombers ang Arellano University sa huling laro da­kong alas-6 ng gabi at si­sikapin ng tropa ni coach Vergel Meneses na masun­dan ang 65-64 panalo na naiukit sa Mapua sa unang laro noong Sabado.

“Hindi kami ganoong ka­lakas pero sinisikap na­ming mag-improve evey game. Depensa at team work ang dapat na ilaro para manalo uli,” wika ni Meneses na sasandal sa husay nina Nate Matute, John Lopez at Byron Villarias.

Unang panalo matapos ang dalawang sunod na talo ang hanap naman ng Chiefs sa ilalim ng bagong coach na si Koy Banal.

Matapos lasapin ang 71-81 pagkatalo sa San Beda na naglaro gamit ang anim na manlalaro lamang, ang Chiefs ay dumapa uli sa Emilio Aguinaldo College, 75-72, para malagay sa huling puwesto sa siyam na koponang liga.

Si Aric Del Rosario ay magbabalik sa bench para diskartehan ang Altas na sa­sagupain ang Lyceum sa ganap na ika-4 ng hapon.

Bibitbitin ni Del Rosario na nanilbihan din bilang commissioner ng liga, ang malawak na coaching experience para maibalik ang Altas sa Final Four na hu­ling nangyari noong 2004.

Kailangang kuminang ang mga beteranong sina Jett Vidal, Justine Alano at Chris Elopre dahil ang Pirates ay magnanais na bumangon mula sa 61-70 pagkatalo sa St. Benilde noong Lunes.

ALTAS

ARELLANO UNIVERSITY

BYRON VILLARIAS

CHRIS ELOPRE

DEL ROSARIO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

HELP SYSTEM DALTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with