^

PSN Palaro

Aces isinama ang Express sa bakasyon

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bagamat sibak na sa torneo, naglaro pa rin na may puso ang mga Aces para isama sa kanilang bakasyon ang Express.

Mula sa ipinosteng 32-15 kalamangan sa first period, hindi na nilingon pa ng Alaska ang Air21 patungo sa kanilang 110-80 panalo sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

 Ito ang unang panalo ng Aces, huling nanaig noong Mayo 27 mula sa kanilang 104-84 paggupo sa Barako Bull Energy, matapos ang kanilang anim na sunod na kamalasan.

“Our shots started to fall,” sabi ni coach Luigi Trillo, nakahugot ng 26 points kay balik-import Jason Forte.

Tinapos ng Alaska ang kanilang kampanya sa likod ng 2-7 record sa ilalim ng semifinalist nang Rain or Shine (7-1), B-Meg (5-2),Talk ‘N Text (4-3), nag­dedepensang Petron Blaze (4-4), Powerade (4-4), Meralco (4-4), Ginebra (4-4), Barako Bull (3-4) at Air21 (2-6).

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Llamados at Tro­pang Texters habang isi­nusulat ito.

Isinara ng Aces ang kanilang PBA season mula sa kabuuan nilang 11-24 baraha sa Philippine Cup, Commissioner’s Cup at Governors Cup.

 Matapos kunin ang 32-15 bentahe sa first period, pinalobo ng Alaska, binigyan ni dating coach Tim Cone, ngayon ay mentor ng B-Meg, sa 25 puntos, 56-31, ang kanilang kalamangan sa dulo ng second quarter.

Naglista si Cyrus Ba­guio ng 17 points, tampok ang perpektong 4-for-4 shoo­ting sa three-point range, sa first half para sa Aces.

(Russell Cadayona)

Alaska 110 - Forte 26, Baguio 24, Tenorio 19, Thoss 10, Cablay 9, Espinas 8, Baracael 4, Dela Cruz 4, Jazul 3, Eman 3, Thiele 0, Bugia 0, Gelig 0.

Air21 80 - Graham 25, Ritualo 11, Arboleda 9, Escobal 7, Faundo 6, Isip 6, Omolon 6, Sison 4, Menor 4, Espiritu 2, Bagatsing 0, Sena 0, Hubalde 0.

Quarterscores: 32-15; 56-32; 90-56; 110-80.

vuukle comment

B-MEG

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

CYRUS BA

DELA CRUZ

GOVERNORS CUP

JASON FORTE

KANILANG

LUIGI TRILLO

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with