Laylo Manila Open chess champ

MANILA, Philippines - Pinisak ni Grandmaster Darwin Laylo ang kapwa GMs na si Joey Antonio at Mark Paragua sa huling dalawang rounds upang makopo ang Manila Open chess crown sa SM City Manila nitong Linggo.

Tinapos ni Laylo ang eight-round tournament taglay ang 7.5 puntos matapos igupo sina 12-time National Open champion Antonio at dating national junior champion NM Rolando Andador, na pumuwesto naman ng ikalawa (7pts.) sa nasabing event na tinaguriang Mayor’s Cup.

Nagbulsa si Laylo ng P20,000 sa isang araw na torneo na idinaos bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila at sanctioned ng NCFP.

Show comments