Azkals defender na si Cagara kinuha ng German football club
MANILA, Philippines - Pumirma ng kontrata si Philippine Azkals defender Dennis Cagara sa German club na Karlsruher SC (KSC) na sumasabak sa third division ng football sa Germany.
Sa isang statement, inihayag ng KSC na sila ay "committed to left-back Dennis Cagara."
Nawalan ng koponan si Cagara matapos hindi kunin ng FSV Frankfurt, kumakampanya sa second division, ang kanyang contract option.
“The 27-year-old defensive player signed a contract until June 30, 2014,” wika ng KSC kay Cagara.
Si Cagara, may dugong Filipino at Danish, ay unang naglaro para sa Azkals noong Oktubre ng 2011 sa kanilang friendly match ng Singapore.
Pinuri ni KSC head coach Mark Kauczinki si Cagara bilang isang "fast and technically skilled player.”
Nalaglag ang KSC sa third division makaraang tumapos bilang pang 16 sa second division noong nakaraang season.
Naglaro ang KSC sa first division na Bundesliga.
- Latest
- Trending