MANILA, Philippines - Sa pakikipagtulungan ni Konsehal Julian Coseteng ng ikatlong distrito ng Quezon City, nagtungo sa lungsod ang Barangay AKTV, ang grassroots program ng sports news portal ng TV5, para dalhin ang PBA sa mga barangay noong Hunyo 16 at 17.
Nagsilbing coach si PBA center Alex Crisano sa mga kabataan sa mga covered courts ng Barangay Old Balara at Barangay Escopa 3.
Saksi sa kaganapan sina PB Beth Daluraya, Fernando Ortiz, Ronnie Taguba at kani-kanilang mga konseho, SK chairman Paulo Taguba, Kagawad Mileth Bustillo, Danny Villanueva, Leo Padilla, Kagawad Salvador Mil at Kagawad Billy De Vera.
Inimbita ni Coseteng, apo ng isa sa mga founder ng PBA Mariwasa, ang Barangay AKTV bilang bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran ng kabataan sa lungsod na kanyang prayoridad.
Nagsagawa na din ng libreng basketball clinic ang Barangay AKTV sa iba’t ibang barangay sa QC.
Pinasalamatan ni Coseteng ang Team AKTV sa pagbibigay ng pagkakataon sa nasabing barangay na makasali sa programa. Ang Barangay AKTV ay idinaos sa pakikipagtulungan sa PBA.
Sa AKTV ipinapalabas ang mga laro ng PBA.
Naniniwala si Coseteng, na Assistant Majority Floor Leader ng konseho ng QC, na malayo ang mararating ng mga kabataan ng Lungsod Quezon.