Bata, Django tumumbok ng panalo sa World 9-ball
MANILA, Philippines - Pitong Filipino cue artists ang nagsipanalo sa opening matches sa pagsargo kahapon ng 2012 World 9-ball Championships sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar.
Nanguna sa mga nagpasikat ang mga dating kampeong sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa group elimination.
Tinalo ng 1999 champion na si Reyes si Philipp Stojanovic ng Croatia, 9-3, sa Group One, habang ang 2010 titlist na si Bustamante ay nangibabaw kay Lo Li-wen ng Chinese Taipei, sa Group Nine.
Ang iba pang nagsipanalo ay sina Carlo Biado, Roberto Gomez, Ramil Gallego, Jundel Mazon at Joyme Vicente.
- Latest
- Trending