Bolts kinuryente ang Tigers
MANILA, Philippines - Isang 12-3 ratsada sa fourth quarter ang ginawa ng Bolts para makuha ang kanilang ikalawang sunod na panalo at palakasin ang tsansa nila sa isang tiket sa semifinal round.
Tinalo ng Meralco ang Powerade, 91-78, para makasalo sa pang apat na posisyon sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.
“It’s a great win for us. We still need to play great basketball on Sunday,” sabi ni head coach Ryan Gregorio sa kanyang Bolts.
Itinaas ng Meralco ang kanilang kartada sa 4-4 katabla ang nagdedepensang Petron Blaze (4-4) at Powerade (4-4) sa ilalim ng semifinalist nang Rain or Shine (7-1), B–Meg (5-2) at Barangay Ginebra (4-3) kasunod ang Talk ‘N Text (3-3), Barako Bull (3-4), Air21 (2-5) at Alaska (1-7).
Kasalukuyan pang naglalaro ang Gin Kings at Tropang Texters habang isinusulat ito.
Anim na koponan ang papasok sa semis, nauna na ang Elasto Painters at ang Llamados, at ang apat ay masisibak.
Mula sa 68-66 lamang sa third period ay pinalaki ng Bolts ang kanilang kalamangan sa Tigers sa 80-69 buhat sa pinakawalang 12-3 atake sa 6:23 ng final canto.
Ipinoste ng Meralco ang isang 15-point lead, 86-71, sa huling 3:27 nito mula sa basket ni Mac Cardona.
“It’s a very encouraging sign and with the way that other teams are falling down, our destiny is still in our hands,” ani Gregorio.
Meralco 91 - West 29, Mercado 15, Cardona 15, Hugnatan 14, Taulava 7, Bulawan 6, Macapagal 3, Ross 2, Reyes 0.
Powerade 78 - Sneed 23, David 20, Guevarra 12, Casio 6, Al-Hussaini 4, Belasco 4, Anthony 3, Lingganay 2, Salvador 2, Adducul 2, Vanlandingham 0, Tugade 0.
Quarterscores: 21-24; 43-42; 68-66; 91-78.
- Latest
- Trending