Boosters hiniya ng Painters sa Dumaguete
MANILA, Philippines - Nagtayo ng isang 10-point lead sa third period, tinalo ng semifinalist na Rain or Shine ang nagdedepensang Petron Blaze, 103-82, sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kagabi sa Dumaguete City.
Tumipa si import Jamelle Cornley ng 22 points para sa Elasto Painters kasunod ang tig-16 nina Gabe Norwood at Jeff Chan, 15 ni Jireh Ibañez at 14 ni Jervy Cruz.
Samantala, matapos naman ang malaking panalo sa talsik nang Alaska noong Biyernes, pipilitin ng Barangay Ginebra na masilo ang isang semifinals ticket.
Sasagupain ng Ginebra ang Talk ‘N Text ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Powerade at Meralco sa alas-4:15 ng hapon sa elimination sa Smart-Araneta Coliseum.
Nanggaling ang Gin Kings sa isang 90-81 panalo laban sa Aces, samantalang umiskor naman ang Tropang Texters ng 109-89 paggupo sa Energy.
Ang isang semis berth rin ang puntirya ng Tigers matapos matalo sa Express, 121-128, na tinampukan ng game-high 51 points ni import Zach Graham, noong Biyernes.
- Latest
- Trending