^

PSN Palaro

Javier, Cabral pasok sa Olympics

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magpapasikat ang mga archers na sina Mark Javier at Rachel Ann Cabral sa London Olympics.

Pinalad ang dalawang pambato ng bansa na masama sa Olympics nang ma­kuha ang puwesto sa idinaos na Olympic Games Final Qualification Tournament sa Ogden City sa Utah, USA.

Isinabay ang torneo sa World Archery Cup, si Javier ay tumapos sa panlima sa kalalakihan habang pampito si Cabral sa kababaihan sa idinaos na recurve compe­tition.

Dahil dito, ang Pilipinas ngayon ay mayroong 11 panlaban sa prestihiyosong torneo kasunod ng pagtiyak ng puwesto nina Marestella Torres at Rene Herrera ng athletics, Jessie King Lacuna at Jasmine Alkhaldi ng swimming, Mark Anthony Bar­riga ng boxing, Brian Rosario ng shooting, Tohomiko Hoshina ng judo, Daniel Ca­luag ng BMX cycling at Hidilyn Diaz ng weightlifting.

Ang pagkakaroon ng dalawang qualified archers ang pinakamarami sa kasaysayan ng archery ng bansa at patunay na unti-unti ng bumabangon ang sport mula sa problema sa liderato.  

BRIAN ROSARIO

DANIEL CA

HIDILYN DIAZ

JASMINE ALKHALDI

JESSIE KING LACUNA

LONDON OLYMPICS

MARESTELLA TORRES

MARK ANTHONY BAR

MARK JAVIER

OGDEN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with