Department of sports, isinusulong ni Trillanes
MANILA, Philippines - Sisigla lamang ang antas ng palakasan sa bansa kung maisasabatas ang Senate Bill 3092 na nagsususog sa pagtatag ng Department of Sports.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV na siyang chairman ng Senate Committee for Sports, magkakaroon ng ngipin ang Department of Sports dahil lalagyan ito ng taunang pondo mula sa gobyerno at ang mauupo rito ay isang Cabinet secretary.
Sa ngayon, ang Philippine Sports Commission (PSC) na itinatag noong 1992 sa panunungkulan ng nasirang Pangulong Corazon Aquino, ang siyang nangangasiwa sa pagsuporta sa palakasan ng bansa.
Ngunit ang nakaupong chairman ay may ranggo lamang katulad ng isang undersecretary at gumagana ang ahensya ng walang katiyakang pondo sa pamalahaan at umaasa sa buwanang ayuda mula sa Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).
Dahil walang katiyakan ang perang pagkukunan para ipantutustos sa pangangailangan ng Pambansang atleta, hindi makagawa ng konkretong programa ang PSC upang manatiling nasa alanganin ang resulta ng kampanya ng Pambansang atleta kung kompetisyong pandaigdigan ang kanilang sinasalihan.
“Once Senate Bill 3092 becomes a law, a new department dedicated to sports will have a leader who will be as close as he can to the President and holding a position with the rank of a secretary, thereby giving sports an even greater access to the President’s list of priorities,” ani Trillanes.
Nagsagawa na ng pagdinig ang Komite sa bill na ito at ang mga dumalo ay sina IOC representative sa Pilipinas Frank Elizalde, PSC chairman Ricardo Garcia, POC chairman Monico Puentevella, DepEd asst. secretary Antonio Umali, Philippine Fencing Association president Victor Africa at Civil Service Commission director Prisco Rivera.
Ang suporta mula sa Kongreso at lagda mula kay Pangulong Benigno S. Aquino na lamang ang hinihintay para tuluyang maging batas ang SB 3092.
“If President Noynoy Aquino, signs the bill into a law, it will also mark a complete cycle, as it was his mother who made the PSC possible. The calls of the time, however, change and there is now an urgent need to further strengthen government’s sports programs if we serious about achieving what now seems very hard to achieve: an Olympic gold,” ani pa ni Trillanes.
- Latest
- Trending