Oklahoma uuwi na may natutunang leksyon sa Miami
MIAMI--Noong nakaraang linggo, nangunguna ang Oklahoma City Thunder sa NBA Finals, at ngayon ay pauwi na sila para sa isang bakasyon at leksyon na itinuro sa kanila ng Miami Heat.
Naging paborito sa kanilang championship series, natalo ang Thunder sa Game 5 matapos kunin ng Heat ang kanilang pang apat na sunod na panalo.
Nalimutan na ang 11-point win ng Oklahoma City sa Game 1 dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon ay natalo sila ng apat na sunod.
“When you play against the best, you learn,” sabi ni Thunder coach Scott Brooks.
Kumolekta si Kevin Durant ng 32 points at 11 rebounds, habang umiskor ng 19 points si Russell Westbrook para sa Thunder.
Sina Durant at Westbrook ay pinagpahinga na ni Brooks sa huling 4:44 ng laro kung saan nagdiriwang na ang mga Heat fans para sa kanilang ikalawang NBA championship matapos noong 2006.
“We made it to the finals, which was cool for us, but we didn’t want to just make it there,” ani Durant. “It’s tough, man. But as a whole, I’m proud of the guys on how we fought all season.”
Nagdagdag si James Harden ng 19 points at may 11 si Derek Fisher para sa Thunder.
- Latest
- Trending