^

PSN Palaro

Women's handball team nakakuha ng malawak na karanasan sa Asian Beach Games

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi man nakasabay sa mga katunggali, produktibo pa rin ang pagsali ng Pilipinas sa women’s handball sa 3rd Asian Beach Games sa Haiyang, China dahil nakuha nila ang mahalagang karanasan na magagamit para mapaunlad ang sport na nagsisimula lamang sa bansa.

“I saw the blessing of experience,” wika ni dating basketball player at fencer Joanna Franquelli na siyang tumayong head coach ng koponan.

Ang grupong ito ang kauna-unahang koponan na inilahok ng Philippine Handball Association at bitbit la­mang ni Franquelli ang nakuhang leksyon mula sa Olympic Solidarity coaching seminar bukod sa tibay ng dibdib ng mga manlalaro na dating basketbolista, softball, at frisbee players.

Ang ipinakitang laro ng koponan ay umani naman ng atensyon mula kay Olympic Council of Asia (OCA) President Sheik Ahmed Al Sabah na inihayag kay POC president Jose Cojuangco Jr. ang pagnanais na tulungan ang bansa para lumakas sa sport na nakilala sa Europa.

“The experience the team had while competing here will be our rallying point to make the sport more popular in the country,’ dagdag naman ni handball official at head delegation Dr. Jay Adalem.

Ngayong araw pormal na isasara ang kompetisyon at ang Pilipinas ay humakot ng dalawang pilak at dalawang bronze medals tangan ang maliit na delegasyon na naglaro lamang sa apat na sports events.

Ang men’s dragon boat team ang pinakaproduktibo nang mag-uwi ng 2 pilak (500m at 200m) at isang bronze medal (3000m) habang ang women’s 3 on 3 team ang siyang naghatid ng pang-apat na medalya ng delegasyon.

ASIAN BEACH GAMES

DR. JAY ADALEM

FRANQUELLI

JOANNA FRANQUELLI

JOSE COJUANGCO JR.

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

OLYMPIC SOLIDARITY

PHILIPPINE HANDBALL ASSOCIATION

PILIPINAS

PRESIDENT SHEIK AHMED AL SABAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with