Azkals isasalang sa 20 tournament bago lumahok sa ASEAN region

MANILA, Philippines - Halos 20 laro ang pipi­litin ng Philippine men’s football team management at ng coaching staff na maibigay sa Azkals bago sila lumahok sa torneo sa ASEAN region sa Nob­yem­bre.

Ito ang sinabi ni Azkals team manager Dan Pala­mi, lumagda ng kontrata sa Columbian Autocar Corporation (CAC) kahapon para sa pagpapalawig ng sponsorship deal ng KIA para sa isa pang taon,

Ayon kay Palami, pinapanalisa na ng Phl Football Federation ang isang trai­ning camp sa US sa Agosto bukod pa ang sa Bahrain at Japan.

Kasama sa US trip ang mga friendy matches ng Azkals sa ilang Major League Soccer (MLS) clubs, kabilang rito ang Chicago Fire at Columbus Crew, at isa hanggang dalawang koponan sa Confederation of North, Central American at Caribbean Association Football (Concacaf).

Pangangasiwaan naman ng bansa ang four-nation Long Teng Cup kasama ang Hong Kong, Chinese-Taipei at Macau sa Oktubre 12-16 sa Pa­naad Park and Stadium sa Bacolod City.

“The Azkals are continuing to prepare for top competitions,” wika ni Pa­lami.

Sinabi ni Azkals coach Michael Weiss na importante ang naturang mga ‘exposure’ para sa pagharap ng Azkals sa Malaysia, Viet­nam at iba pang SEA powerhouses.

“The more we can go outside and gain valuable experience, the better,” ani Weiss.

Show comments