^

PSN Palaro

Positibo Pa Rin

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - The Philippine Star

Maaaring natalo si Manny Pacquiao sa ring, pero panalo naman siya sa puso ng mga boxing fans. At dahil sa kakaibang nangyari sa laban ni Pacquiao at Timothy Bradley Jr., na pinanalunan ng huli sa kontro­bersyal na split decision, maraming positibo pa ring mga bagay ang naganap.

Una ay naipakita ang kababaang loob ni Pacquiao kahit pa alam nang lahat na puno ng kontrobersya ang pagkapanalo ni Bradley sa laban nila noong nakaraang Hunyo 9 ay nagpapatunay lamang na gentleman pa rin si Pacquiao sa loob at labas ng ring.

Kung ibang boksingero iyan ay nagsisigaw na iyan at nagsasalita na marahil ng maanghang na pangungu­sap sa kanyang kalaban, lalo na nga at kitang-kita naman na may “mali” sa desisyon ng mga judges.

Ikalawa, naipakita na maging ang mga tinatawag na superstar na athletes ay hindi rin ligtas sa tinatawag na manipulasyon o ‘dayaan’. Kahit pa gaano kahanda ang isang atleta, kinakailangan pa rin na hindi ito ma­ging kum­piyansa dahil sa posibilidad na madaya siya.

Pangatlo, dahil nga sa pangyayari sa laban ni Man­ny dalawang Senador sa Estados Unidos ang nag­panukala nang pagkakaroon ng isang special bo­xing commission na mangangasiwa sa mga labanan sa naturang bansa. Layunin ng panukala na ibalik ang integridad sa naturang sport.

Isinusulong ni Sen. John McCain ng Arisona at Senate Majority Leader Harry Reid ng Nevada na magkaroon ng U.S. Boxing Commission na magi-implementa ng federal boxing law, makipagtulungan sa boxing industry at local commission, license boxers, promoters, managers at magpapataw rin ng sanction sa mga organisasyon.

Hinalaw ni McCain ang mga pangungusap ng pa­moso at dating sportswriter na si Jimmy Cannon, na nagsabi na ang boxing ay ang ‘‘red light district of sports.’’ Bakit?

Marami kasing nangyayari na hindi ka­nais-nais na sumisira sa reputasyon ng sports dito. 

Inihalimbawa ni McCain ang welterweight bout nina Bradley at Pac­quiao bilang “latest exam­ple of the legitimate distrust boxing fans have for the integrity of the sport.’’

Sabi pa ni McCain: “Clearly, the conspiracy theories and speculation surrounding the fight are given life be­cause there are so many questions surrounding the integrity of the sport and how it is managed in multiple jurisdictions.”

At siyempre, agree tayo dito. Dahil sa pana­naw natin ay kinakaila­ngan talaga ng sport na boxing ng isang regulating body na mangangasiwa sa sport at sa mga boksi­ngero, referees at maging sa mga judges at mana­gers.

BOXING

BOXING COMMISSION

BRADLEY

BRADLEY JR.

ESTADOS UNIDOS

JIMMY CANNON

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with