^

PSN Palaro

POC reresolbahin ang human smuggling

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hihigpitan ng Philippine Olympic Committee ang paglahok ng mga nagpapanggap na national teams sa iba’t ibang kompetisyon sa labas ng bansa.

Ito ay matapos maka­rating kay POC president Jose Cojuangco Jr. ang mga ulat ng human smuggling ng ilang mga taong kabilang sa sports community na nakakasira sa imahe ng bansa.

“The POC leadership is keen on resolving this problem,” wika ni Cojuangco na nasa Haiyang, China upang saksihan ang laro ng Pambansang atleta sa 3rd Asian Beach Games.

“Since we are in the process of cleaning house, we will seriously hunt for those who have any participation in this unscrupulous and illegal act,” dagdag ni Cojuangco.

Isang dinner ang inihandog ni Cojuangco sa de­legasyon matapos ma­nalo ng dalawang pilak at dalawang bronze medals para makabangon ang bansa mula sa kawalan ng medalya sa 2nd Asian Beach Games sa Muscat, Oman noong 2010.

Ang men’s dragon boat team ang siyang pinaka­produktibo nang manalo ng tatlong medalya na kinatam­pukan ng dalawang pilak sa 500m at 200m at bronze sa 3000m races.

Ang pang-apat na me­dalya na isang bronze medal ay ibinigay ng wo­men’s 3-on-3 basketball team.

Naglaro rin ang Pilipinas sa handball at sport climbing pero bigo sila sa asam na medalya.

Sa pagbalik sa Pilipinas, isasagawa naman ng POC ang nutrition at conditioning seminar sa Philsports sa Pasig City para matuto ang Pambansang manlalaro ng tamang gawain para matiyak na taglay nila ang magandang pangangatawan bago sumabak sa isang laban.

Mga Fil-Ams na kaibi­gan ni Cojuangco ang siyang kinuha ng POC para siyang maging speakers sa seminar.

ASIAN BEACH GAMES

COJUANGCO

HAIYANG

JOSE COJUANGCO JR.

MGA FIL-AMS

PAMBANSANG

PASIG CITY

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with