^

PSN Palaro

Buwenamano kina Amit, Ranola

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kumabig agad ng mga panalo sina Rubilen Amit at Iris Ranola para bigyan ng magandang simula ang kampanya sa 2012 World Women’s 9-Ball Champion­ship na nilalaro sa Richgate Shopping Center sa Shenyang, China.

Ito ang ikaapat na taon na ginawa sa Shenyang ang kompetisyon at ha­ngad ng Pilipinas na mahagip ang kauna-unahang titulo sa women’s 9-ball event.

Si Amit na isang multi-gold medalist ng SEA Ga­­mes ang siyang may pinakamataas na naabot sa kompetisyong sinimulan noong 1990 nang puma­ngalawa siya kay Pan Xiao­ting ng China noong 2007 sa Taoyuan, Taiwan.

Group stage ang bakbakan na inilagay sa double round elimination at si Amit ay nakalusot kay Wu Zhiting ng China, 7-6, sa tagisan sa Group E.

Sunod na kalaban ni Amit ay si Junko Tsuchiya ng Japan na nanalo kay Nataliya Seroshtan ng Russia, 7-5, at ang mananalo sa second round ay lalapit ng isang hakbang patungo sa Knockout stage.

Si Ranola na nanalo ng dalawang ginto sa SEA Games sa Indonesia, ay na­ngibabaw kay Nacola Rossouw ng Russia, 7-4, upang ikasa ang pagkikita nila ni Yu Han ng China sa second round sa Group C.

Si Han ay nagdomina kontra kay Keiko Yukawa ng Japan, 7-4.

Ang mga pambato ng host China ang pinapaboran na manalo matapos dominahin nina Liu Shasha, Fu Xiaofang at Bi Zhu Qing ang huling tatlong edisyon ng torneo.  

BALL CHAMPION

BI ZHU QING

FU XIAOFANG

GROUP C

GROUP E

IRIS RANOLA

JUNKO TSUCHIYA

KEIKO YUKAWA

LIU SHASHA

NACOLA ROSSOUW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with