^

PSN Palaro

Sharks nilunod ang Dolphins

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nahaharap man sa kakaibang sitwasyon, tiwala ang two-time defending champion Manila Sharks na matibay pa rin ang pag­hahabol nila para sa ka­una-unahang 3-peat sa Baseball Philippines.

Sa Final Four na mag­si­simula sa darating na Linggo, ang Sharks ay ma­ngangailangan na manalo ng dalawang sunod sa number two seed na Dumaguete Unibikers para manatiling buhay ang paghahabol sa titulo sa ligang inorganisa ng Community Sports Inc., katuwang ang Gatorade, Harbour Centre, Emperor Light, Clard Development Corp., Philippine Transmarine Corp., Summit Water at Eagle Sky Inc at may basbas ng POC, PSC at PABA.

Tinapos ng Sharks ang triple-round elimination tangan ang 3-2 panalo sa Cebu Dolphins na nilaro kahapon sa Rizal Memorial Baseball Field.

Si Eric Gesmundo ang siyang nagbigay ng ikatlong run ng Sharks sa top of the seventh inning bago sinandalan ang husay sa pagpukol ni Warren Vispo na nagbigay lamang ng isang run sa Dolphins sa bottom ninth para makuha ang kauna-unahang panalo ng Manila sa Cebu sa series 9.

Inangkin naman ng Taguig Patriots ang ikali­mang puwesto sa 6-3 panalo sa Batangas Bulls.

Nanalo naman ang Du­maguete sa Alabang sa iskor na 14-5.

BASEBALL PHILIPPINES

BATANGAS BULLS

CEBU DOLPHINS

CLARD DEVELOPMENT CORP

COMMUNITY SPORTS INC

DUMAGUETE UNIBIKERS

EAGLE SKY INC

EMPEROR LIGHT

HARBOUR CENTRE

MANILA SHARKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with