^

PSN Palaro

Kenyans dominado ang Unilab Run

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi napigil ang ma­lakas na puwersa ng Ken­yan runners upang ma­kapagdomina sa idinaos na Unilab Active Health Run United 2 sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Sina Samuel Kasia at Ester Kipserem ang mga hinirang na kampeon sa 21-k na nilahukan ng 5,000 mananakbo na siyang pinakamalaki sa distansya.

Si Kasia ay naorasan ng 1:08:42 para manalo sa mga kababayang sina Benjamin Kipkazi (1:08:56) at Jackson Chirchir (1:12:19).

May 1:23:57 bilis naman si Kipserem para iwanan ang mga nakalabang sina Christabel Martes (1:30:21) at Irish runner Aileen Breen (1:39:13).

Sinungkit ng kam­peon ang P8,500 habang P7,500 at P6,500 ang napunta sa pumangalawa at pumangatlo.

Winalis din ng Kenyans ang 10-k male division nang sina Elliud Kering (31:58), David Kipsano (32:40) at Julius Jemoshi (33:47) ang nagdomina rito

Ang iba pang nagsipa­nalo sa mga dibisyong walang dayuhan ay sina Nhea Ann Barcena (42:33) sa women’s 10-K; number one junior triathlete na sina Allen Santiago (18:23) at Ana Jean Tamayo (19:22) sa 5k.

AILEEN BREEN

ALLEN SANTIAGO

ANA JEAN TAMAYO

BENJAMIN KIPKAZI

CHRISTABEL MARTES

DAVID KIPSANO

ELLIUD KERING

ESTER KIPSEREM

JACKSON CHIRCHIR

JULIUS JEMOSHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with