Elasto Painters nagsosolo uli

MANILA, Philippines - Makaraang maman­tsahan ang malinis nilang 4-0 kartada, kumayod ng dalawang sunod na pa­na­lo ang Elasto Painters para muling makamit ang liderato.

Nagtayo ng isang 14-point lead sa first half, hindi na nilingon pa ng semifinalist nang Rain or Shine ang Barako Bull para angkinin ang 100-90 panalo sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

 “We did a good job clo­sing out quarters. We we’re able to protect our lead. I am happy with the defense we did,” wika ni coach Yeng Guiao sa kanyang Elasto Painters, nanggaling sa 81-77 panalo kontra sa Meralco Bolts noong nakaraang Biyernes.

May 6-1 record ngayon ang Rain or Shine kasunod ang B-Meg (5-1), Powerade (4-2), Barako Bull (3-3), Barangay Ginebra (3-3), Petron (3-3), Meralco (2-4), Talk ‘N Text (1-3), Air21 (1-4) at Alaska (1-5).

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Llamados at ang Boosters habang isinusulat ito.

 Itinala ng Rain or Shine ang pinakamalaki nilang abante sa 19 puntos, 90-71, sa 7:20 ng fourth quarter buhat sa basket ni Jervy Cruz hanggang mapababa ito ng Barako Bull, nagmula sa isang two-game winning run, sa 88-97 sa huling 52.9 segundo sa likod nina import Leroy Hickerson at Doug Kramer.

 Rain or Shine 100 - Chan 19, Cornely 18, Norwood 15, Ibanes 11, Buenafe 9, Cruz 6, Tang 6, Quinahan 6, Lee 4, Belga 4, Matias 2, Jaime 0.

Barako Bull 90 - Hickerson 24, Kramer 16, Najorda 12, Allado 8, Miller 7, Cruz 6, Cervantes 4, Sharma 4, Vergara 3, Tubid 3, Pennisi 3.

Quarterscores: 30-27; 57-43; 76-59; 100-90.

Show comments