^

PSN Palaro

Pinay handball squad bigo sa Jordan

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Haiyang, China--Ka­agad na natalo ang Philip­pine women handball squad laban sa Jordan sa pagbubukas ng 3rd Asian Beach Games kahapon dito sa Fenxiang Beach.

Nabigo ang mga Pinay na samantalahin ang ilang pagkakataon kung saan sila maaaring makaiskor sa isinukong 2-17 sa first set at 9-21 sa second frame.

“We take this exposure as a barometer of our physi­cal abilities and skill level. I am certain that the ABG will contribute largely in making us internationally competitive in the near future not only in outdoors but indoor handball,” ani handball association executive director Dr. Jay Adalem.

Nakatakda namang buk­san ng 10-man crew ang kanilang kampanya sa dragon boat event ngayong umaga sa 500-meter race kontra sa Indonesia, Hong Kong at Vietnam.

Ang panalo ng mga Fi­lipino ang magbibigay sa kanila ng automatic ticket sa medal round, habang ang tatlong matatalo ay da­daan sa repechage at sa isang semifinal race papasok sa four-nation finale.

“We have a winning plan in our minds and the only issue now is perfect execution,” sabi ni coach Len Escollante.

Ang grupo ay binubuo ng host China, Thailand, Ja­pan at Macau.

Umatras naman sa pag­lahok ang SEAG dra­gon boat event champion Myanmar, tatayong host ng 2013 Southeast Asian Games, dahil sa kaguluhan sa kanilang bansa.

ASIAN BEACH GAMES

DR. JAY ADALEM

FENXIANG BEACH

HAIYANG

HONG KONG

LEN ESCOLLANTE

MACAU

MYANMAR

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with