^

PSN Palaro

Juico, Tolentino nagkasundo na

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagkasundo na sina ICFP president Philip Ella Juico at PhilCycling head at Tagaytay Mayor Abraham Tolentino na magsama para sa ikabubuti ng cycling sa bansa.

Ayon kay POC president Jose Cojuangco Jr. nagkasundo na sina Juico at Tolentino na magsama na sa iisang bubong matapos ang ilang taong krisis sa liderato sa cycling.

“The two sportsmen have come up with an arrangement for the good of the sport. They both gave up a lot so that there will be harmony in the sport,” wika ni Cojuangco.

Ang eleksyon ay iti­nakda sa Hulyo 3 at mismong si Cojuangco ang sa­saksi sa magiging kaga­napan na itinuturing na hudyat ng bagong sigla sa cycling.

Si Tolentino ang may bas­bas ng international body UCI at sinasabing mananatili siya sa kanyang puwesto habang si Juico ang iluluklok bilang chairman.

“Hindi ko naman sinasabi na may lutong macao pero may kasunduan na sila kung paano ang mangyayari na fair for both sides,” dagdag ni Cojuangco.

Ang cycling ang isa sa pinagkukunan ng kara­ngalan ng Pilipinas sa international tournaments at sa gaganaping London Olympics ay may pambato ang bansa sa katauhan ni Fil-Am BMX rider Daniel Ca­luag.

“Maraming ang nagsa­sabi na kaya nating mag-excel sa cycling at kaila­ngan lamang nila ang all-out support at inaasahan kong mangyayari na ang hanap na suporta nga­yong nagkaayos na ang dalawang grupo,” dagdag ni Cojuangco.

Dahil sa gulo sa liderato sa cycling, hindi nakasali ang ipinadalang pambansang siklista sa 2007 Thailand SEAG upang mabawasan ng inaasahang medalya ang delegasyon.

AYON

COJUANGCO

DANIEL CA

JOSE COJUANGCO JR.

JUICO

LONDON OLYMPICS

PHILIP ELLA JUICO

SHY

SI TOLENTINO

TAGAYTAY MAYOR ABRAHAM TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with