Hickerson nagbida sa 2 dikit na panalo ng Energy

MANILA, Philippines - Maski ang tournament-best na 35.4 points per game average ni import Zach Graham ay hindi sapat para maisalba ang Express.

 Humakot si balik-import Leroy Hickerson ng 38 points, 6 rebounds at 6 assists para tulungan ang Barako Bull sa 109-100 paggupo sa Air21 ni Graham at ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Matapos kunin ang isang 14-point lead, 77-63, sa 2:13 ng third period ay hindi na nilingon pa ng Ener­gy ang Express, nalasap ang kanilang pangat-long dikit na kamalasan.

Itinaas ng Barako Bull ang kanilang baraha sa 3-3 katabla ang nagdedepensang Petron Blaze sa ilalim ng Rain or Shine (4-1), B-Meg (4-1), Powerade (3-2) at Barangay Ginebra (3-2) kasunod ang Meralco (2-3), Talk ‘N Text (1-3), Alaska (1-4) at Air21 (1-4).

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Llamados at ang Aces habang isinusulat ito.

Binuksan ng Energy ang laro sa pamamagitan ng 11-point advantage, 13-2, bago naagaw ng Express ang unahan sa 41-40 sa 5:12 ng second quarter mula sa dalawang sunod na basket ni Bitoy Omolon.  

Muling nakuha ng Ba­rako Bull ang kalamangan sa halftime, 53-47, bago ikasa ang 77-63 abante sa 2:13 ng third period patungo sa 105-90 pagbaon sa Air21 sa huling 3:42 ng final canto.

“We need to step up further if we want to advance,” sabi ni coach Junel Baculi sa kanyang Energy. “We’ll be having a tough grind. We need to be mentally prepared. We’re too relaxed.”

Nanguna naman sa local ng Energy si Mick Pennisi na tumapos ng 14 puntos habang naglista naman si Dough Kramer ng 10 puntos.

Tumapos si Graham na may 41 markers para sa Express kasunod ang conference-high 16 points ni James Sena, 11 ni Mark Isip at 10 ni Omolon..

Barako Bull 109 - Hickerson 38, Pennisi 14, Kramer 10, Najorda 9, Cruz 9, Miller 8, Allado 8, Cervantes 7, Tubid 6, Weinstein 0, Sharma 0.

Air21 100 - Graham 41, Sena 16, Isip 11, Omolon 10, Hubalde 6, Salamat 5, Arboleda 5, Espiritu 4, Menor 2, Sison 0, Faundo 0, Ritualo 0.

Quarterscores: 33-23; 53-47; 80-69; 109-100.

Show comments