B-Meg aasintahin ang solo liderato

MANILA, Philippines - Tatangkain ng B-Meg na masolo ang liderato sa pakikipagharap sa Alaska sa hangaring makuha ang isang semis berth sa 2012 PBA Governors Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Magtatagpo ang Llamados at ang Aces nga­yong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Barako Bull at Air21 sa alas-5:15 ng hapon.

Magkatabla sa itaas ang Rain or Shine (4-1) at B-Meg (4-1) kasunod ang Powerade (3-2), Barangay Ginebra (3-2), nagdedepensang Petron Blaze (3-3), Barako Bull (2-3), Meralco (2-3), Air21 (1-3), Talk ‘N Text (1-3) at Alaska (1-4).

Umiskor ang Llamados ni Tim Cone ng 91-78 panalo kontra sa Express noong Hunyo 9 sa Digos City, Davao, habang nagmula naman ang dati niyang koponang Aces sa 95-100 kabiguan sa Bolts.

“It’s a little bit of a rivalry now between B-Meg and Alaska,” ani Cone. “

Sa unang laro, target naman ng Barako ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Air21.

Nanggaling ang Barako Bull sa malaking 111-107 paggiba sa Petron noong Hunyo 8, samantalang nakalasap naman ang Express ng 78-91 pagkatalo sa Llamados.

Show comments