Registration sa Manila Bay Clean-Up Run simula na

MANILA, Philippines - Umarangkada na ang pagpaparehistro ng mga nagnanais tumakbo sa da­rating na Manila Bay Clean-Up Run na gaganapin sa ika-15 ng Hulyo bilang suporta sa programa ng Land Bank na malinis ang ating karagatan.

Maaaring nang magpa­rehistro sa mga Chris Sports branches sa SM Mega Mall, SM Bicutan, SM North Edsa at SM Manila maging sa kanilang mga outlet sa Glorietta 3, Festival Mall Alabang at Fitness and Athletics sa Bonifacio Global City.

Ang mga interesadong tumakbo sa 3K, 5K 10K at 21K division sa men at womens category ay maaari ring magpalista sa lobby ng Manila Broadcasting Company sa Sotto St. sa CCP Complex, Pasay City.

Magkakamit ng tropeo at cash prizes ang mga mananalo sa bawat kategorya. Mag-kakaroon din ng special award para sa pinakamalaking delegasyon.

Ang Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng MBC, Star City, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at ng Lungsod ng Maynila at Pasay katuwang ang Smart Communications, Green Cross Rubbing Alcohol, Enervon Multivitamins, 100Plus at M. Lhuillier.

Itataon din ito sa ika-73rd anibersaryo ng DZRH.

Para sa karagdagang ka­alaman, tawagan ang Race Mechanics sa 0921-5927956 o mag-email sa mbcrun2012@gmail.com.    

Show comments