MANILA, Philippines - Kung natalo man si Manny Pacquiao, isang Filipino featherweight prospect naman ang nanalo sa undercard.
Binigo ni Ernie Sanchez si Wilton Hilario ng Dominican Republic via unanimous decision sa kanilang non-title fight sa undercard sa suntukan nina Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Binugbog ni Sanchez si Hilario sa bawat round para sa kanyang panalo.
Nakakuha ang 20-anyos na si Sanchez, tubong General Santos Ci ty, ng 78-74, 78-74 at 79-73 points kontra kay Hilario.
Tangan ngayon ni Sanchez ang 13-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 5 KOs, sa mantalang taglay naman ni Hilario ang 12-3-1 (9 KOs) slate.
Bago ang panalo kay Hilario, nagmula muna si Sanchez sa isang two-round KO win laban kay Eman Labanza noong Marso, habang halos isang taon namang hindi lumaban si Hilario matapos ang dalawang sunod na pagkatalo kina dating title contender Martin Honorio at unbeaten prospect Luis Franco.