Manila, Philippines - Magsasagawa ang nangungunang wireless services provider na Smart Communications, Inc. (Smart) ng isang outdoor viewing sa Rizal Park sa Manila para sa laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. bukas.
Libre para sa publiko, ang Social Feeds Wall ay magtatampok sa real time Twitter at Facebook posts sa pamamagitan ng isang LED screen kasama ang live telecast ng naturang laban.
Para makasama sa online discussions ang mga manonood, maglalagay ang Smart ng libreng WiFi connectivity sa venue hanggang matapos ang laban.
“Smart lets you share life’s biggest moments with the entire world,” sabi ni Smart Broadband Internet and Data Services Head Lloyd Manaloto. “With a simple post, you can partake in this historic occasion and show everyone across the planet that it really is more fun in the Philippines.”
Ang mga may laptops ay makakagamit rin ng Smart Evolution, ang una at fourth generation (4G) service ng Smart’s Long Term Evolution (LTE) network.
Ang LTE ay may 100Mbps at tanggap ng mga kritiko at mga telecommunications companies sa buong mundo bilang pinakamabilis na mobile Internet connection.
“With Smart’s high-speed network, you can share your thoughts and opinions faster and easier than ever before,” ani Manaloto. “This leaves you more time to do other worthwhile activities that you also enjoy--Share More, Live More.”