Pacquiao wala nang problema sa timbang

LAS VEGAS--Walang dapat ikabahala ang mga panatiko ni Manny Pacquiao kung ang timbang niya ngayon ang pag-uusa­pan.

Sa huling workout niya kahapon sa Top Rank gym ay pumasok na sa 146 pounds ang Pambansang kamao.

Noong nakaraang linggo ay nasa 150 pounds pa si Pacquiao at nabahala ang iba dahil maa­aring maapektuhan ang kanyang pag­papababa ng timbang sa ipakikitang laban kontra kay Timothy Bradley sa Sabado.

Nakataya sa tagisan ang hawak na WBO welterweight title ni Pacquiao sa walang talong challenger na dating hari ng WBO light welterweight division.

“He weighed in a little low today. He was 146 before the workout,” wika ni Freddie Roach na sa Linggo ay iluluklok na sa Boxing Hall of Fame upang selyuhan ang pagiging isa sa pinakamagaling na trainer ng sport.

Ang kasalukuyang timbang ni Pacman ay isang pound na mas mababa sa fight weight limit na 147 pounds kaya’t ngayon pa lamang ay alam na ng kampo ni Pacquiao na hindi na problema ang timbang nito.

Sa tantiya ni Roach, na­sa 145 o 146 pounds si Pacquiao sa weigh in nga­yon pero lalaki ito sa 148 hanggang 149 lbs sa araw ng labanan sa Sabado (Linggo sa Pilipinas)

Wala ring nakikitang prob­lema sa pag-abot sa timbang ni Bradley na umakyat mula sa 140-pound division.

Show comments