^

PSN Palaro

Final workout ni Pacman binuksan sa publiko

- The Philippine Star

LAS VEGAS--Nilintanya ni Manny Pacquiao ang mga Biblical habang ginagawa niya ang skipping rope sa napakainit na bo-xing gym na pagmamay-ari ng Top Rank.

Ito ang huling araw ng workout para kay Pacquiao na nakatakdang idepensa ang kanyang hawak na WBO welterweight title bukas laban kay Timothy Bradley sa MGM Grand.

Magaang, mabilis at bukas sa mga bisita ang naturang final workout ni ‘Pacman’.

Ilang fans ang naghihintay kay Pacquiao sa la­bas kasama na ang isang matanda na mula sa Las Vegas na dinala ang kanyang mga anak at isang oversized pair ng boxing gloves.

Sa paglabas ni Pacquiao buhat sa gym at bago siya sumakay sa kanyang Navigator, pinirmahan niya ang golden gloves na mas malaki pa sa throw pillows.

Isang dalaga galing sa California ang may hawak ng framed picture nina Pacquiao at Freddie Roach. Napapirmahan rin niya ito.

Ang nasabing gym, binuksan noong 1989, ang dating pinagsanayan nina world champions Sugar Ray Leonard, Oscar dela Hoya, Floyd Mayweather Jr., Lennox Lewis at Miguel Cotto.

Si Pacquiao ngayon ang pinakamalaking customer.

Natapos na ang training na nagsimjula dalawang buwan na ang nakararaan sa Baguio City, ang summer capital ng PIlipinas.

Si Roach ang namahala sa workout na tinampukan ng ilang rounds ni Pacquiao sa mitts, shadow boxing at abdominal exercises.

Alam ni Pacquiao na tapos na ang pagsasanay nila at hindi na siya humi­ngi ng karagdagang oras kagaya ng kanyang naka­ugalian.

“Ready na,” sabi ni Pacquiao.

“Everything’s great. We’re a hundred percent ready,” wika naman ni Roach.

 Mula sa gym, nagtungo si Pacquiao sa kanyang hotel suite. HIndi pa siya masyadong nakakapagpahinga, pero ang kanyang Bible studies ay magsisimula sa alas-5 ng hapon. 

BAGUIO CITY

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

LENNOX LEWIS

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

SI PACQUIAO

SI ROACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with