Floyd 'di mapapanood ng live ang Pacquiao-Bradley fight
MANILA, Philippines - Kung may tao mang inaasahang sisimangot sa Linggo, ito ay si Floyd Mayweather Jr..
Ito ay dahilan sa hindi niya mapapanood sa kanyang selda ang pay-per-view fight nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. mula sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada kung saan niya inagawan ng WBA super welterweight crown si Miguel Cotto noong Mayo 5.
Ito ang sinabi ni Bill Cassell, ang spokesman para sa Las Vegas Metropolitan Police Department na nangangasiwa sa Clark County Detention Center sa Las Vegas kung saan nakakulong si Mayweather.
“I am not going to say that he absolutely won’t be able to watch it because it’s in the future,” wika ni Cassell. “However, nothing special is being done to provide this television program or any other program in the jail. We don’t plan on having pay-for-view in the jail. Now, if ESPN or some other channel runs a repeat, he may be able to view it then.”
Nasa isang three-month sentence ang 35-anyos na si Mayweather dahil sa kasong domestic violence.
Dahil sa walang telebisyon sa kanyang selda, makakapanood lamang si Mayweather ng programang pinapanood ng kanyang mga kapwa bilanggo.
“I have no idea who holds the remote,” wika ni Cassell.
Umaasa naman si Mayweather na maitatakda ang kanilang mega fight ni Pacquiao sa Nobyembre matapos mabalam ng tatlong beses dahil sa mga isyu sa hatian sa prize money hanggang sa pagsailalim sa Olympic-style random drug at urine testing.
- Latest
- Trending