CABANATUAN CITY, Philippines --Bagamat tuluyan nang nakawala sa kanilang mga kamay ang iniingatang Team championships, isa sa mga siklista ng LPGMA-American Vinyl ang umaasa na maisusubi ang individual crown sa Ronda Pilipinas.
At ang hiling na ito ay tila unti-unti ng natutupad at sa bawat araw na lumipas, dalawang riders ng LPGMA-American Vinyl sina-skipper Irish Valenzuela at Cris Joven--ay nananatiling palaban para sa individual title sa pagtatapos ng 10 Stages ng 15-leg bikathon na ito.
“We talked about clinching the individual title after we won the team general classification last year and it seems Irish and Cris have been taking it seriously,’’ pahayag ni LPGMA partylist representative Arnel Ty, may-ari ng multi-titled club kasama ang cycling patron na si Eric Sy.
Si Valenzuela na biniyayaan ng husay sa akyatan ang nanguna sa Stage 9 sa Antipolo City at tumalon sa ikaapat na puwesto sa overall, habang inokopahan naman ni Joven, sprint leader sa nakalipas na walong stages, ang pang-9th na puwesto para manatiling nasa kontensyon sa P1-million individual champion’s prize sa tiyempong 4:30.
At kung hindi lang sana minalas si Joven, nagtamo ng malaking hiwa sa kaliwang balakang, hawak pa rin ng siklistang mula sa Iriiga City ang red jersey na kanyang inagaw mula kay Baler Ravina sa Stage 8 sa Lucena City.
“It’s better that we didn’t keep the red jersey for long. It builds up pressure that could affect our performance as a team,’’ wika naman ni LPGMA-American Vinyl coach Renato Dolosa.
Ngunit hindi maitatago ng two-time champion na siyang gumiya sa koponan sa pagkopo ng Team title sa Ronda noong nakaraang taon at Le Tour de Filipinas title may dalawang buwan na ang nakakalipas, ang kanyang mainit na hangaring makuha ang individual diadem ng naturang bikathon.