^

PSN Palaro

Pacquiao may problema sa timbang

-

LOS ANGELES--Halos isang linggo na lamang ang nalalabi para sa kanilang nalalapit na laban ni Timothy Bradley, hind nabantayan ni Manny Pacquiao ang kanyang timbang.

“Hindi ko na na-check,” wika ng Pambansang kamao noong Linggo sa loob ng kanyang La Palazzo apartment.

Si Pacquiao ay naka­upo sa sofa at napapaligiran ng kanyang mga anak na sina--Jimuel at Michael habang naglalaro sa kani-kanilang IPADS at si Princess ay nalilibang naman sa kan­yang Hello Kitty stuff at natutulog ang bunsong si Queenie.

“Wala namang proble­ma. Kain lang ng kain,” wika pa ng reigning WBO welterweight champion.

May paraan si Pacquiao para masuri ang kanyang timbang sa paghawak la­mang nito sa kanyang pul­so.

“Mga 150 pa ako nga­yon,” anya sa mga manu­nulat.

Nauna rito, mainit na si­nalubong ni Pacquiao ang kanyang daan-daang panauhin, kabilang ang mga miyembro ng PNP choir para sa isang bible study session na tumagal ng halos isang oras.

Kinaumagahan dumalo si Pacquiao sa isang misa na idinaos sa Christ the King church sa Hollywood.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang 147 lbs title laban kay Bradley sa darating na Sabado (Hunyo 9 US time) sa Vegas, at doon ay madali na niyang mapababa ang kanyang timbang.

At huling pagkakataon na nakipag-sparr si Pacquiao nitong Lunes ng umaga at kinahapunan ay lilipad na siya patungong Vegas kasama ang buong Team Pacquiao, pamilya at at ilang kaibigan sakay ng isang bus.

Tatapusin naman ni Bradley ang kanyang trai­ning sa Indo, California at inasahang darating din sa Vegas sa Lunes.

Nakatakda naman ang official weigh-in sa Bi­yernes.

BRADLEY

CHRIST THE KING

HELLO KITTY

KANYANG

LA PALAZZO

PACQUIAO

SHY

SI PACQUIAO

TEAM PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with