BOSTON--Nagtala si Rajon Rondo ng 15 points at 15 assists at umiskor ng huling tatlong puntos ang Boston Celtics sa kanilang 93-91 overtime victory laban sa Miami Heat sa Game 4 para itabla sa 2-2 ang kanilang Eastern Conference finals series.
Sinamantala ng Celtics ang pagkawala sa laro ni LeBron James sa Heat dahil sa anim na foul sa fourth quarter.
“I don’t foul out,” wika ni James na ang ika-anim na foul ay mula sa offensive foul sa ilalim ng goal ng Miami.
Tumapos si James ng 29 puntos, anim na rebounds, tatlong assists kung saan pitong beses din siyang nagtapon ng bola.
Ito ang unang pagkakataon sa siyam na taong NBA career ni James na siya ay napatalsik sa playoff game at unang pagkakataon din na na-fouled out sa anumang laro mula nang lisanin ang Cleveland at lumipat sa Miami noong nakaraang tag-init ng 2010.
Nagdagdag si Kevin Garnett ng 17 points at 14 rebounds para sa Celtics, nagtayo ng isang 18-point lead sa third quarter bago dinala ni James ang Heat sa overtime period mula sa kanyang three-pointer.
Nag-ambag naman si Paul Pierce ng 23 points bago na-fouled out, habang may 16 points si Ray Allen para sa Boston.
‘’I think we executed offensively, came up with some lucky plays and we got stops at the end,” sabi ni Rondo.
Umiskor si James ng 29 points at may 20 naman si Dwyane Wade na nabigong itakas ang Heat mula sa kanyang tumalbog na tres sa pagtunog ng final buzzer.
Nakatakda ang Game 5 sa Martes.
Nahugot ni Mickael Pietrus ang pang anim na foul ni James at humablot ng dalawang mahalagang offensive rebounds.
Ang layup ni Rondo ang nagbigay sa Celtics ng 92-91 lamang sa 2:34 ng laro kasunod ang kanyang freethrow sa huling 21 segundo.
Hindi pa rin naglaro si Chris Bosh sa pang siyam na sunod na pagkakataon para sa Miami bunga ng kanyang lower abdominal strain.