PNSA magbi-bid para sa 2013 SEASA
MANILA, Philippines - Naghahangad ang Philippine National Shooting Association (PNSA) na pamahalaan ang Southeast Asian Shooting Association (SEASA) Championships sa susunod na taon, ayon kay PNSA president Mikee Romero.
Kung mapapasakamay ang nasabing annual event, sinabi ni Romero na ito ang magiging pinakamalaking shooting tournament na idaraos sa bansa matapos ang 2005 Manila SEA Games.
“We are making a strong bid to host the event next year,” sabi ni Romero, ang presidente at CEO ng Harbour Centre.
Ang event, ayon kay Romero, ay magbibigay sa mga Filipino shooters ng pagkakataon na mahasa ang kanilang husay.
“With 15 countries joining in on the event, it’s going to be a big boost not only for our athletes and shooting enthusiasts but also to our sports tourism,” wika ni Romero.
Ang magla-lobby para sa bansa ay sina PNSA Secretary General Col. Nil Gamboa at vice president Gay Corral.
- Latest
- Trending