^

PSN Palaro

Lady Tigresses sinorpresa ang Eagles, lumapit sa korona

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Nagtulung-tulong ang manlalaro ng University of Santo Tomas mula sa se­cond set para kunin ang 16-25, 25-20, 25-22, 25-23 panalo sa nagdedepensang Ateneo sa game one ng 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart Finals kagabi sa The Arena sa San Juan.

Pinatatag ng Lady Tigres­ses ang kanilang de­pen­sa habang kumuha ng mahahalagang puntos sa inaasahang manlalaro tungo sa 1-0 kalamangan sa maigsing best of three series.

Si Maika Ortiz at Maru Banaticla ay nakapagtala ng mahahalagang kills matapos ang huling tabla sa 22-all sa fourth set.

Tuluyang natapos ang laban na tumagal ng isang oras at 43 minuto, sa isang reception error ng Lady Eagles para lumapit ang Tigresses sa isang panalo tungo sa pagsungkit ng ikapitong titulo sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s Pizza.

Lumapit din ang San Sebastian sa isang panalo para angkinin ang ikatlong puwesto sa torneong may suporta rin ng Accel at Mikasa nang iuwi ang 25-14, 25-23, 16-25, 32-34, 15-9 panalo sa University of Perpertual Help.

Samantala, si Bualee ang hinirang bilang Best Scorer sa individual awards na ibinigay matapos ang unang laro.

Ang iba pang pinarangalan ay sina Utaiwan Kaen­sing ng UST (Best Attacker) Ateneo’s Lithawat Kesinee (Best Blocker), UST’s Judy Caballejo (Best Server), Angelique Dionela ng Perpetual Help (Best Digger), Ateneo’s Denden Lazaro (Best Receiver) at Sandra delos Santos ng Perpetual (Most Improved Player).

ANGELIQUE DIONELA

ATENEO

BEST

BEST ATTACKER

BEST BLOCKER

BEST DIGGER

BEST RECEIVER

BEST SCORER

BEST SERVER

DENDEN LAZARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with