^

PSN Palaro

Kamao ni Pacman matindi na

- Abac Cordero -

LOS ANGELES - Hindi nananaginip si Manny Pacquiao nang sabihin niyang nakikita niya ang imahe ni Timothy Bradley sa loob ng Wild Card Gym.

Gusto lamang niyang matawa.

“Nakikita ko mukha ni Bradley,” sabi ni Pacquiao na nagpapawis sa speed ball sa kanyang two-hour workout.

Sinuntok ni Pacquiao ang speed ball na halos matanggal na ito sa pader.

Ito rin ang tiyak na ipina­kita niya sa kanilang five-round sparring session ni Russian Ruslan Provodni­kov. Halos hindi sila humin­to at ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya.

Tinamaan si Pacquiao ng isang low blow na nagpatigil sa aksyon. Naipit rin siya at nakorner sa sulok. Ngunit palagi naman siyang nakakawala at nakakaganti.

Ngunit sa kabuuan, masaya ang pakiramdam ni Pacquiao sa training. Kinanta niya ang “Pumapatak Na Naman Ang Ulan” ng Apo Hiking Society.

Ang boksingerong hin­di pa natatalo matapos ma­bigo kay Erik Morales noong Marso ng 2005 ay hindi na makapaghintay para sa kanilang suntukan ni Bradley sa Hunyo 9 sa MGM Grand.

Kapag masaya si Pacquiao, masaya rin si Freddie Roach.

Hinarap ni Pacquiao ang higanteng salamin at nag-shadow-boxed bago napansin ang mga Pinoy scribes.

“Relax lang kayo,” wika ni Pacquiao.

Maigting namang nagsasanay si Bradley para sa pinakamalaki niyang laban.

Sa third episode ng 24/7 ng HBO, sinabi ni Brad­ley na tapos na ang kan­yang training at tila pagod na siya.

“I’m sick of training I (can) fight tomorrow. I (can) fight tonight,” wika ni Bradley, pinanatili ang kanyang istriktong vegetarian diet.

“I train like no other,” sabi ni Bradley. “Fights are won in the gym.”

APO HIKING SOCIETY

BRADLEY

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

NGUNIT

PACQUIAO

PUMAPATAK NA NAMAN ANG ULAN

RUSSIAN RUSLAN PROVODNI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with