^

PSN Palaro

Tigers nakawala na sa kamalasan, Aces hiniya

-

MANILA, Philippines - Matapos ang 0-2 pani­mula sa piling ni Rashad McCants, nakamit na ng Tigers ang kanilang unang panalo sa likod ng bagong hugot na si Omar Sneed.

Nakakuha ng 31 points kay Gary David, career-high 15 points kay Rey Guevarra at 13 markers, 11 assists at 9 rebounds kay Sneed, pinayukod ng Powerade ang Alaska, 114-97, sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Mula sa 50-42 lamang sa first half ay kumawala ang Tigers sa third period mula kina Guevarra, Sneed, Will Antonio at Josh Vanlandingham para iposte ang 75-56 abante sa 3:14 nito.

 Ang slam dunk ni Guevarra, produkto ng Letran College, laban kay balik-import Jason Forte ang nagbigay sa Powerade ni coach Bo Perasol ng isang 22-point lead, 86-64, sa pagsasara nito.

 Ang three-point play ni David ang nag-akay sa Tigers sa 105-90 bentahe sa huling 3:12 ng fourth quarter.

May 1-2 baraha ngayon ang Powerade kagaya ng Alaska, Talk ‘N Text at Air21 (1-2), sa ilalim ng Rain or Shine (3-0), nagdedepensang Petron Blaze (2-1), Barangay Ginebra (1-1), B-Meg (1-1), Barako Bull (1-1) at Meralco (1-1).

Powerade 114 - David 31, Guevarra 15, Sneed 13, Al-Hussaini 13, Casio 13, Salvador 12, Vanlandingham 7, Martinez 4, Anthony 4, Antonio 2, Allera 0.

Alaska 97 - Forte 25, Baguio 16, Espinas 10, Thoss 10, Jazul 8, Dela Cruz 8, Eman 6, Custodio 5, Baracael 4, Tenorio 4, Cablay 1, Gelig 0.

Quarterscores: 24-20; 50-42; 86-64; 114-97.

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BO PERASOL

DELA CRUZ

GARY DAVID

GOVERNORS CUP

GUEVARRA

JASON FORTE

POWERADE

SNEED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with