'Subukan n'ya ko'

MANILA, Philippines - Nang ipinagyabang ni Timothy Bradley, Jr. sa kanyang media day kamakalawa na wawasakin niya si Manny Pacquiao sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada, ngumiti lamang ang Filipino world eight-division champion.

“We will see, we will see. God Bless him,” sagot lamang ni Pacquiao sa kanyang media workout kahapon sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California kung saan niya nakasama si trainer Freddie Roach.

“I believe I am strong enough, I have enough power that God gave me. All my strength is from God. I’m 100 percent focus for this fight, and I have no distractions,” dagdag pa ng Sarangani Congressman.

Kamakalawa ay sinabi ng 28-anyos na si Bradley na pababagsakin niya ang 33-anyos na si Pacquiao sa kanilang paghaharap.

Sa kanyang media day na idinaos sa Fortune Gym sa Hollywood ay ipinakita ni Bradley ang kanyang mga muscle na sinasabi niyang bentahe niya laban sa lakas ni Pacquiao.

Nakatakdang ipagtanggol ni Pacquiao ang kanyang suot na WBO welterweight crown kontra kay Bradley, ang kasalukuyang WBO light welterweight titlist.

“I don’t know if it will be a knockout. I’m not a prediction kind of guy but I know at the end of the fight I will have my hand raised,” wika ni Bradley. “I am going to be the winner, plain and simple.”

Kumpiyansa naman si Roach na maganda ang ipapakita ni Pacquiao matapos ang kanyang kontrobersyal na majority decision win kay Juan Manuel Marquez sa kanilang ikatlong paghaharap noong Nobyembre 12, 2011.

“I’m so happy and excited. I can’t wait for the fight,” dagdag ni Pacquiao.

Show comments