^

PSN Palaro

Abs ni Bradley panlaban sa lakas ni Pacquiao

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Muling ipinaramdam ni Timothy Bradley, Jr. ang kanyang kahandaan para sa kanilang upakan ni Manny Pacquiao sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Tune in on June 9 when I destroy Manny Pacquiao,” sabi ng 28-anyos na si Bradley sa kanyang media day kahapon sa Fortune Gym sa Hollywood, California isang linggo bago ang kanyang paghahamon kay Pacquiao.

Ipinakita ni Bradley ang kanyang mga muscles na sinasabi niyang bentahe niya laban sa lakas ni Pacquiao.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na WBO welterweight crown kontra kay Bradley, ang kasalukuyang WBO light welterweight titlist.

“I don’t know if it will be a knockout. I’m not a prediction kind of guy but I know at the end of the fight I will have my hand raised,” wika ni Bradley. “I am going to be the winner, plain and simple.”

Determinado naman si Pacquiao na pabagsakin si Bradley matapos ang kanyang kontrobersyal na majority decision win laban kay Juan Manuel Marquez sa kanilang ikatlong paghaharap noong Nobyembre 12, 2011.

Sinabi ni trainer Freddie Roach na makikita mismo ni Bradley ang bilis at lakas ni Pacquiao sa gabi ng kanilang laban.

BRADLEY

DETERMINADO

FORTUNE GYM

FREDDIE ROACH

HUNYO

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with