^

PSN Palaro

LPGMA-American Vinyl nasa peligro ang team title

-

ORMOC City, Philippines --Nasa peligro na ang hangaring ma­ta­gumpay na pagdepensa sa team title ng LPGMA-Ame­rican Vinyl sa idinadaos na 2012 LBC Ronda Pilipinas.

Nasa ika-12 puwesto ang koponang hawak ni coach Renato Dolosa matapos ang unang lap sa 21-day,15-leg karera na iikot sa kabuuan ng bansa. Pero hindi naman sumusuko si Dolosa dahil naniniwala siyang maaga pa ang karera at nagsisimula pa lamang mag-init ang kanyang mga siklista.

May puntos ang dating Tour champion dahil gumana na sina Cris Joven at Rustom Lim habang nagsisimula na ring humataw ang skipper na si Irish Valenzuela, Rudy Roque, Ronnel Hualda at Edmundo Nicolas para ibangon na ang koponan tungo sa ikawalong puwesto sa overall matapos ang apat na stage.

Kapos na lamang sila ng mahigit na 14:43 sa nangu­ngunang V-Mobile.

“Masama ang naging simula pero hindi kami sumu­suko. Katunayan ay unti-unti kaming bumabangon at ang diskarte ay one stage at a time,” wika ni Dolosa.

“Alam ko ang kakayahan ng mga siklista ko at tama ang kanilang peaking. Ang kailangan lamang namin ay mag-improve kada stage para makakuha ng mahala­gang oras,” dagdag ni Dolosa.

Sa pananaw ng mga coaches sa 16 na koponang nagtatagisan, ang nakikita nilang magdedetermina sa magiging kampeon sa individual at team ay sa stage 12 na Lingayen, Pangasinan hanggang Baguio City at stage 13 na Tuba, Benguet hanggang Baguio.

Tulad sa nagdaang edisyon, ang hihiranging kampeon sa team event ay tatanggap ng P1 milyon premyo.

BAGUIO CITY

CRIS JOVEN

DOLOSA

EDMUNDO NICOLAS

IRISH VALENZUELA

RENATO DOLOSA

RONDA PILIPINAS

RONNEL HUALDA

RUDY ROQUE

RUSTOM LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with