PARIS--Sasalang sina Venus Williams at Juan Martin Del Potro, lumaban sa mga Grand Slam at nagkaroon ng mga injury, para sa pagbubukas ng French Open.
Sa pagkakaroon ng bye nina Novak Djokovic, Rafael Nadal, Roger Federer, Maria Sharapova at Serena Williams sa Roland Garros court, ang mga katulad nina Williams at Del Potro ang unang makikita sa aksyon.
Si Williams, No. 53 sa world rankings, ay nakalampas sa Sjogren's Syndrome para maging runner-up sa Paris noong 2002, ay natalo sa kanyang kapatid na si Serena sa finals ng French Open.
Pangarap pa rin ni Williams na makalaro sa 2012 Olympic Games sa London.
Makakatapat ng 31-anyos na si Williams si Argentinian Paula Ormaechea.
Lalabanan naman ni Del Potro, ang tanging tennis player na nanalo ng Grand Slam title sa labas ng 'big three', si Spanish veteran Albert Montanes.
Ang ninth-seeded na si Del Potro ay isang semifinalist noong 2009 bago maghari sa US Open.
Ngunit dahil sa injury, hindi siya nakalaro sa loob ng siyam na buwan na nagresulta sa pagkakahulog niya sa No. 485.