^

PSN Palaro

Patriots delikado na sa Warriors

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mainit na laro ang nakita sa bisitang Indonesia Warriors upang kunin ang 73-64 panalo sa second seed AirAsia Phliippine Patriots sa pagbubukas kahapon ng 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Fil-Am Stanley Pringle ang naging sakit ng ulo ng Patriots sa huling yugto nang nagbagsak ito ng walong puntos kasama ang mahalagang tres na nagtulak sa warriors sa 73-62 bentahe.

Kontrolado ng Warriors ang labanan kahit pitong minuto lamang sa unang yugto naglaro ang kanilang import na si Evan Brock na pinangangambahan na nagtamo ng groin injury.

Pinakamalaking kala­mangan ng Warriors ay sa 21 puntos at kahit na-outscore sila ng Patriots sa ikatlong yugto upang makadikit sa anim, 58-52, hindi naman napigil ang tagumpay dala ng pagbibida ni Pringle at ang lakas sa ilalim ni Steve Thomas.

 May 23 puntos si Pringle kasama ang dalawang tres habang si Thomas ay may 17 puntos at 19 rebounds upang mangi­ba­baw sa ilalim kahit naglaro sa Patriots sina Anthony Johnson at Nakiea Miller.

May 21 si Johnson pero si Miller na may 14 boards ay gumawa lamang ng 9 puntos sa 3 of 21 shooting at naisablay ang lahat ng pinakawalang pitong tres.

Magkakaroon ngayon ng pagkakataon ang Warriors na tapusin ang serye sa Game Two sa Hunyo 3 dahil sa kanilang lugar ito gagawin.

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

EVAN BROCK

INDONESIA WARRIORS

NAKIEA MILLER

PASIG CITY

PHLIIPPINE PATRIOTS

SI FIL-AM STANLEY PRINGLE

STEVE THOMAS

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with