^

PSN Palaro

Nangangamoy finals sa beermen

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Lumabas ang lalim ng bench ng San Miguel Beermen sa overtime upang ipa­lasap sa Westports Malaysia Dragons ang 111-104 panalo sa pagbubukas kahapon ng 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) semifinals sa Olivarez Gym sa Parañaque City.

Si Leo Avenido ay nag­hatid ng limang puntos sa extention kasama ang nakumpletong 3-point play na naglayo sa hosts sa 100-95, upang ibigay sa Beermen ang mahalagang 1-0 kala­mangan sa best-of-three series.

Hindi naipakita ng Beermen ang kanilang trademark na depensa pero na­ipakita nilang kaya nilang talunin ang Dragons sa opensa nang limang manlalaro ang naghatid ng doble pigura.

May 32 puntos si Nick Fazekas habang si Duke Crews ay naghatid hg 25 puntos at 11 boards. Si Fil-Italian Chris Banchero ang siyang naging leader sa ibinigay na 18 puntos, 15 assists at 6 steals.

Si Avenido ay mayro­ong 17 puntos at si JunMar Fajar­do ay may 11 ka­sama ang dalawang freethrows na nagbigay ng 106-100 ilang segundo bago natapos ang laro.

“I feel we can do a lot better on defense but this is not to take away anything from them. They made big shots and we missed some easy shots. But this is the playoffs and you expect things like this,” wika ni Parks.

Si Brian Williams ay may­roong 32 puntos, 15 re­bounds, 9 assists at 3 steals sa walang pahingang 45 minutong paglalaro.

Magkakaroon ang Beermen ng pagkakataon na wakasan ang best-of-three series sa Hunyo 2 sa pagbisita nila sa MABA Gym sa ikalawang tunggalian.  

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

DUKE CREWS

NICK FAZEKAS

OLIVAREZ GYM

SAN MIGUEL BEERMEN

SHY

SI BRIAN WILLIAMS

SI FIL-ITALIAN CHRIS BANCHERO

SI LEO AVENIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with