3 gold tinusok ni Mendoza, Santos agaw eksena sa PNG
DUMAGUETE, City, Philippines --Tatlong gintong medalya ang tinusok ni national team member Wally Mendoza ng Fencing Club of Manila sa fencing event 2012 POC-PSC National Games na idinaos sa Philsports Arena sa Pasig City kahapon.
Bukod sa paghahari sa men’s individual epee at individual sabre, kasama rin si Mendoza sa FCM na kumuha ng gold medal sa men’s team sabre.
Ang ginto naman sa women’s at men’s individual foil ay inangkin nina Justine Gail Tinio at Rolando Canlas ng University of the East, ayon sa pagkakasunod.
Ang UE fencer na si Christine Almas ang sumikwat sa ginto sa women’s individual epee at si Geisha De Leon ng La Salle ang nanguna sa women’s individual sabre.
Ibinulsa ng UE ang gold medal sa women’s team foil, habang ang Far Eastern University ang nagbida sa men’s epee.
Samantala, sa hindi naman paglahok ni Rubilen Amit, isang 15-anyos na incoming fourth year high schoool student ang umagaw ng eksena sa billiards event dito sa Lamberto Macias Sports Complex Convention Center dito na siyang main hub ng nasabing event.
Tinalo ni Denise Santos, estudyante ng Pateros Catholic School, ang 12-anyos na si Cheska Centeno, 7-3, sa women’s billiards competition.
Ang mga nanalo naman sa first round ng men’s division ay sina national pool member Luis Sobardo,Edison Heresiller ng Zamboanga at sina Randy Tabares at Francisco Tropezado ng Dumaguete.
Tinalo ni Sobardo si Allan Culi Jr. ng Dumaguete, 9-0; binigo ni Heresiller si Joel Dy ng Dumaguete, 9-5; giniba ni Tabares si Cris Lee Amposta, 9-6; at sinibak ni Tropezado si Kiefer Dy, 9-4.
Sa Siliman University, dinomina ng Blu Girls, tumatayong guest team, ang Cebu, 10-0, kung saan sila nagtala ng 11 hits at may 2 errors lamang sa five innings.
Matapos ito, ginapi naman ng Blu Girls ang Negros Occidental na sumuko sa first inning.
- Latest
- Trending