^

PSN Palaro

P1.18B kikitain ni Pacman vs Bradley

-

MANILA, Philippines - Inaasahang pupunta­han ng BIR si Manny Pacquiao sa kanyang pagba­balik sa bansa matapos ang kanilang laban ni Timothy Bradley.

Sinabi ng promoter ni Pacquiao na si Bob Arum na inaasahang tatanggap ang 33-anyos na boxing icon ng halos $26 milyon o P1.18 billion para sa kanyang susunod na laban.

“Manny Pacquiao is guaranteed twenty-six million dollars,” sabi ng chair­man ng Top Rank Pro­motions sa ESNewsRe­por­ting.com.

Si Pacquiao ang pina­ka­mayamang congressman sa Piliinas at inaasa­hang mananatili ito matapos ang kanyang laban kay Bradley sa Hunyo 9 sa MGM Grand.

Ito ang magiging pina­ka­malaking fight purse ni Pacquiao na kumita ng $15 million laban kina Oscar dela Hoya, Antonio Margarito at Shane Mosley at $20 million kontra kay Juan Manuel Marquez noong Nobyembre.

Makakatanggap si Pac­­quiao ng millions sa pay-per-view, ticket sales at iba pa.

Si Bradley, ang unde­fea­ted American, ay may guaranteed purse na $5 million.

Palaging gumagawa ng balita si Pacquiao kahit sa labas ng boxing ring.

Kamakailan ay nagbida ang congressman mula sa Sarangani ukol sa kanyang paninindigan sa same-sex marriage na ikinainis ng gay community.

Ngunit niliwanag naman ni Pacquiao ang kanyang pahayag.

Sa pagsisimula ng taon ay ginulo siya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Noong 2008, hinirang si Pacquiao bilang top individual taxpayer nang magbayad ng buwis na P125 million. Pero sinabi ng BIR na nagbayad lamang siya ng P7 million noong 2011.

ANTONIO MARGARITO

BOB ARUM

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

SHANE MOSLEY

SHY

SI BRADLEY

SI PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with