Big Chill diretso sa semis; 9-0 sweep naman sa NLEX

MANILA, Philippines - Kinailangan ng Big Chill ng malakas na pagtatapos tungo sa 78-67 panalo sa RnW Pacific Pipes para masungkit ang ikalawa at huling awtomatikong pu­westo sa semifinals na pinaglabanan sa pagtatapos ng elims sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Tresto Gym sa Taguig City.

Humataw din ang back-to-back defending champion NLEX sa 72-55 dominasyon laban sa Boracay Rum sa ikalawang laro para makumpleto ang 9-0 sweep na tinarget sa elims.

Nakita na naglaho ang 43-27 halftime lead at nakadikit pa ang Steel Masters sa 67-64, may 3:37 sa orasan, sinandalan ng Super Chargers sina Keith Jensen at Jewel Ponferada na nagsanib sa siyam na sumunod na puntos upang ilayo uli ang Big Chill sa 76-64 at tiyakin na ang pag­hablot ng ikapitong panalo sa siyam na laro.

Nakatabla ng tropa ni coach Robert Sison ang pahingang Cebuana Lhuillier sa ikalawang puwesto pero dahil tinalo nila ito sa natatanging pagkikita, 68-52, kaya’t ang Super Chargers ang siyang nalagay sa ikalawang puwesto at makakasama ng NLEX na nasa semifinals na.

Ang Gems ay magla­laro sa quarterfinals pero magtataglay sila ng twice to beat advantage katulad ng Blackwater Sports.

 May 20 puntos si Cliff Hodge upang pangunahan ang Road Warriors.

Nalaglag ang Waves sa 3-6 karta upang makasalo ang Cafe France, Erase Plantcenta at Junior Po­werade sa ikaanim hanggang ikasiyam na puwesto.

Show comments