Bradley walang problema sa kaliweteng kalaban
MANILA, Philippines - Sinabi ni Timothy Bradley na alam niya kung paano labanan ang mga southpaws (kaliwete).
Ngunit kaya ba niyang sabayan ang isang Manny Pacquiao?
Sa isang panayam sa www.ringTV.com, sinabi ng undefeated challenger para sa suot na WBO welterweight crown ni Pacquiao na malaki ang naitulong ng pagsagupa niya sa dalawang southpaws bilang paghahanda sa Filipino superstar.
Pinabagsak ni Bradley si Devon Alexander sa 10 rounds noong Enero ng 2011 at pinatigil si Joel Casamayor sa eight rounds noong Nobyembre.
Sina Alexander at Casamayor ay parehong southpaws.
“This will be my third, yep (against southpaws),” sabi ng 28-ayos na si Bradley.
“So basically what’s going down is that I’m a lot more familiar with the southpaw stance. I’ve not been in with a right-hander in my last three fights,” dagdag pa nito.
Ngunit ayon sa trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach, madaling magsalita kesa gumawa. Hindi pa nakakasagupa si Bradley ng kasing lakas ni Pacquiao.
Pero iginiit ng challenger mula sa California na may maganda siyang tsansa para talunin si Pacquiao.
“I’m just a lot better with that now at competing and defeating southpaws. It’s not a big deal any more. You know, switching up and having to face a southpaw can be tricky. But it’s just like riding a bike to me, now,” ani Bradley.
Samantala, sa training camp pa lamang ay nakita na ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagiging relaks ni Manny Pacquiao.
Sa ilang beses na pagdalaw ni Arum sa mga ensayo ni Pacquiao, napansin na ng promoter ang kakaibang kondisyon at ikinikilos ng Filipino world eight-division champion.
“From somebody who has visited the training camp a few times, the difference in Manny’s face is so apparent,” sabi ni Arum.
- Latest
- Trending